Bakit? tanong mo.
Maging ako ay hindi alam. Ewan ko. May mga ginagawa ka kasi, mga non-verbal na nababasa ko sa ibang perspective. Kapag inoobserbahan naman kita kapag kasama mo ang ibang tao, parang sa pakiwari ko ay hindi ka naman ganoon sa kanina. Iba ka makitungo sa kanila at iba ka rin sa akin. Marahil nga pinagpapalagay ko na dahil may nabuo ng foundation of friendship kaya naging at ease tayo sa isa’t isa, isama pa doon ang katotohanan na pareho tayong malaya sa maraming bagay. Walang hadlang. At dahil doon ay nabasag ang aking wall of vulnerability. Kaya siguro ganon.
Sa tanong mong bakit, siguro ay dahil natakot ako na masanay sa iyong kabaitan. Dahil sa bawat araw na gumagawa ka ng kabaitan sa akin ay nabibigyan ko iyon ng ibang kahulugan. Siguro ay dahil natakot ako na baka ako ay mali. Na baka mali ang pagkabasa ko sa “implied messages”. Na baka wala naman talagang implied messages in the first place. Na ganon ka lang talaga. Gentleman, kind, generous. That your non-verbal gestures are just your mere show of your kindness, generosity, thoughtfulness, and sweetness. Na pinalaki ka lang talaga ng tama at mabuti ng mga magulang mo. Marahil ay natakot ako na mawala ang friendship na isa sa core values ko.
Kaya ‘yun. Pinili ng utak ko na mag-iba ng perspective. Tutal dahil wala namang nangyayari, at baka nga mabait ka lang talaga. Sa isang banda, nakapanghihinayang. Nakakainis!!! mukhang kasalanan ko na naman ang lahat gaya ng mga ginawa ko na sa iba. Pero patuloy pa rin akong naniniwala na kahit anuman ang gawin kong iwas sa'yo if the stars will be aligned, and if the universe will conspire, magkikita't magkikita pa rin tayo. Magkakasama pa rin tayo. Magkaka-usap pa rin tayo. Kung mangyayari man ang pagsasabwatan ng langit at lupa ay wala na akong magagawa. Kung tayo, tayo. Hindi na natin kailangan na mag-exert ng too much effort.
*Reditz, hay:-( ang iyo nga namang buhay pag-ibig.
*Reditz, hay:-( ang iyo nga namang buhay pag-ibig.