Lunes, Abril 1, 2013

Stream of Consciousness as I Await my Supposed Death


March 30, 2013         

          Hindi struggle sa akin ang mag-aral. I remember I readily loved tracing the circle on my writing notebook made by the inkless pen of my nursery teacher, add to it tracing the capital letter B and small letter B for the picture of a ball. Gustong-gusto ko na rin noon ang panaka-nakang pagkukulay ng mga tao, garden, shapes, at kung anu-ano pa. I remember second honor ako noon if my memory serves me right. Since then on, I was a consistent honor student from nursery to high school. Hindi ko inisip na struggle mag-aral at privilege ang makatapos sa Pilipinas. Akala ko normal lang ang magbayad ng 20k quarterly sa school. Hindi pa malinaw noon sa akin ang konsepto ng Economics at hindi ko pa iniisip na mahirap kami, at least economically. Mahirap ba ang pamilya kung five times kami kumain sa isang araw, minsan pa nga six at eat all you can? Mahirap ba kami kung ang wet market namin ay ang Rustans? Mahirap ba kami kung kumpleto kami sa appliances sa bahay? Narealize ko lang na mahirap kami noong magbakasyon kami sa Atimonan, Quezon sa side nila Mama. Akala ko ordinary vacation lang ulit iyon gaya ng dati. Yearly naman kasi kaming umuuwi ng Quezon either sa side ni Papa sa Sariaya or side nila Mama sa Atimonan. Tsaka bakasyon naman talaga noon eh, katatapos lang ng recognition day dahil sinabitan na naman ako sa pagtatapos ko ng Grade 5. Tapos minsan ko lang tinanong si Mama, sabi ko malapit na mag-June bakit hindi pa kami bumabalik ng Manila. Duon ko na-realize na mahirap na pala kami ng sumagot si Mama na sa Atimonan ko na tatapusin ang elementary ko sa isang Central public school. Tapos, nag-sunod sunod na iyon, bigla kaming lumipat sa Bulacan, naging scholar ako sa St. Jo, and later naging scholar ni Kuya Boyet, pinilit ang sarili mag-college at kung anu-anong scholarships ang pinasukan hanggang sa nakakuha ng isang matino at stable na scholarship para lang makatapos.

            Pero hindi pa rin struggle ang mag-aral. Basta, nag-aaral lang ako, kahit walang baon, basta, nag-aaral ako. Hindi nga sumasagi sa isip ko ang punan ang puso at isip ko ng ikawawala ng focus tulad ng boyfriend. Hindi nga ako kinikilig noon at wala akong pakialam, basta, nag-aaral lang ako. Kaya, I tell you, hindi struggle  ang mag-aral. Ngayon, self-supporting sa Masteral, hindi pa rin struggle ang mag-aral. Magaganda pa nga grades ko. Ang struggle dumadating kada enrolment. Grabe! Naman. Masteral na nga, struggle pa rin sa tuition. Sariling sweldo mo na nga ginagamit mo. Eh, ikaw ba naman, isabay mo ang pagtupad sa mga pangarap mo sa pagpapanggap mo na bread winner, tingnan ko lang kung hindi ka talaga kulangin sa budget. At recently, struggle na rin mag-maintain ng perfect attendance sa MA at sa trabaho. Kaya buti na lang talaga, aalis na ako sa SMA, at least, bawas struggle.

Matupad ko pa kaya iyong pangarap ko na mag-PhD sa DLSU? Eh, kung mag-asawa na lang kaya ako ng mayaman, iyong asawa na kayang i-sustain iyong yaman niya at saka ako mag-PhD? Matigil na kaya ang struggle? Or baka naman, mabaligtad ang struggle? Baka maging struggle na sa akin ang mag-aral kung magka-ganon?   

Bakit ako biglang nag-iisip ng ganito? Kasi parang biglang nagflashback sa akin iyong buhay ko noong napilitan akong sumakay sa bus na puno ng pasahero. Eh kasi ba naman, inisip ko na Black Saturday ngayon and I assumed na kaunti lang ang uuwi pa-Manila. Well, sabi nga ni Mam Monte sa Teaching Litt, never assume that your students have prior knowledge about such things. Eto naman ako, assumera na naman ulit. Kasi sabi ni manong driver, isang oras na daw na walang bumibyahe. Kaya ang implied message ata nuon eh sumakay na ako at parang last trip na.

Sobrang puno at dun ako nakatayo sa unahang-unahan sa gitna ng driver at bukas na bukas na pinto ng bus. Parang roller coaster ride! Sa makalawang na estribo lang ang hawak ko. Buwis buhay ang peg. Ay, Diyos ko po! Kaunting sira lang sa break o maling maneho ni manong o madulas lang ang paa ko, nakatsinelas pa naman ako, pwedeng huling araw ko na ito.
Pero napansin ko na hindi naman ganun kahigpit ang hawak ko sa estribo. May pagkakataon pa nga na bumibitaw ako para subukan na ayusin ang forever na magulo kong buhok, hindi pa naman air-con ang bus. Siguro dala na rin iyon ng twice na pagsakay ko na sa Viking at iba pang death defying stunts na pinaggagagawa ko na sa buhay ko recently, na parang madali na para sa akin ang mag-let go. Oo, madali na sa akin ang mag- let go kahit masakit pa rin at may panahon na umiyak ako (past tense). Pero in fairness, naman sa akin, I didn’t expect na ganito ko ka-relax tatanggapin ang lahat. O baka hindi pa rin talaga totally nag-sync in sa utak ko ang mga naganap at nagaganap. Expected ko nga na mag-freak out ako or depressed ang peg ng lola mo pero hindi eh.

          After all, I realized na wala akong karapatang hawakan much more hindi dapat na mahigpit na hawakan ang hindi sa akin in the first place. After all, biglang bumalik sa akin iyong ugali ko na kung ayaw, hindi ko pipilitin kasi I believe na ayoko din naman na pinipilit ako kung ayoko naman. After all, ang tanging akin lang ay ang sarili ko. That’s the only thing I got na may karapatan akong alagaan, protektahan at panghawakan.