Lunes, Hulyo 15, 2013

July 16, 2013 12:20am

I don’t have many friends. I prefer my life to be that way. But once I get close to someone, regardless of gender, I start to care for him, respect him, treat him with gentleness, and kindness. And I love him with an ending I don’t know when. His happiness is my concern. His sadness is my sadness too. That’s why even if I’m away, I make sure that he is happy; if not at least he is fine. I guess, that’s what scientists call symbiosis, that as I venture into knowing a stranger deeply, he becomes part of my life.

It just saddens me that a stranger I now call FRIEND finds it hard to disclose to me whatever, for apparent reasons I am not fully aware of. 

Yes, I now know that I should never expect too much from people because you taught me that whatever I give, I give those freely. And I guess, asking for a full disclosure from you is asking for too much. And that asking for a mere update of whatever that has been happening in your life is taking too much part of your life. And that you may find it unfair because you may think that I have not been that transparent to you too or that I might just spread rumors about you.


But, I just want you to know, in case you are not aware that I am courageous now. I understand people from a different perspective now. I find myself accepting people’s weaknesses, mistakes, and failures with utmost compassion now than before. I just don’t want to be the last to know every time.        

Huwebes, Hunyo 27, 2013

ToxiCity

Dragging
feet on high heels; compulsory
straight faced
meet and greet the venerables and astutes

Lunes, Abril 1, 2013

Stream of Consciousness as I Await my Supposed Death


March 30, 2013         

          Hindi struggle sa akin ang mag-aral. I remember I readily loved tracing the circle on my writing notebook made by the inkless pen of my nursery teacher, add to it tracing the capital letter B and small letter B for the picture of a ball. Gustong-gusto ko na rin noon ang panaka-nakang pagkukulay ng mga tao, garden, shapes, at kung anu-ano pa. I remember second honor ako noon if my memory serves me right. Since then on, I was a consistent honor student from nursery to high school. Hindi ko inisip na struggle mag-aral at privilege ang makatapos sa Pilipinas. Akala ko normal lang ang magbayad ng 20k quarterly sa school. Hindi pa malinaw noon sa akin ang konsepto ng Economics at hindi ko pa iniisip na mahirap kami, at least economically. Mahirap ba ang pamilya kung five times kami kumain sa isang araw, minsan pa nga six at eat all you can? Mahirap ba kami kung ang wet market namin ay ang Rustans? Mahirap ba kami kung kumpleto kami sa appliances sa bahay? Narealize ko lang na mahirap kami noong magbakasyon kami sa Atimonan, Quezon sa side nila Mama. Akala ko ordinary vacation lang ulit iyon gaya ng dati. Yearly naman kasi kaming umuuwi ng Quezon either sa side ni Papa sa Sariaya or side nila Mama sa Atimonan. Tsaka bakasyon naman talaga noon eh, katatapos lang ng recognition day dahil sinabitan na naman ako sa pagtatapos ko ng Grade 5. Tapos minsan ko lang tinanong si Mama, sabi ko malapit na mag-June bakit hindi pa kami bumabalik ng Manila. Duon ko na-realize na mahirap na pala kami ng sumagot si Mama na sa Atimonan ko na tatapusin ang elementary ko sa isang Central public school. Tapos, nag-sunod sunod na iyon, bigla kaming lumipat sa Bulacan, naging scholar ako sa St. Jo, and later naging scholar ni Kuya Boyet, pinilit ang sarili mag-college at kung anu-anong scholarships ang pinasukan hanggang sa nakakuha ng isang matino at stable na scholarship para lang makatapos.

            Pero hindi pa rin struggle ang mag-aral. Basta, nag-aaral lang ako, kahit walang baon, basta, nag-aaral ako. Hindi nga sumasagi sa isip ko ang punan ang puso at isip ko ng ikawawala ng focus tulad ng boyfriend. Hindi nga ako kinikilig noon at wala akong pakialam, basta, nag-aaral lang ako. Kaya, I tell you, hindi struggle  ang mag-aral. Ngayon, self-supporting sa Masteral, hindi pa rin struggle ang mag-aral. Magaganda pa nga grades ko. Ang struggle dumadating kada enrolment. Grabe! Naman. Masteral na nga, struggle pa rin sa tuition. Sariling sweldo mo na nga ginagamit mo. Eh, ikaw ba naman, isabay mo ang pagtupad sa mga pangarap mo sa pagpapanggap mo na bread winner, tingnan ko lang kung hindi ka talaga kulangin sa budget. At recently, struggle na rin mag-maintain ng perfect attendance sa MA at sa trabaho. Kaya buti na lang talaga, aalis na ako sa SMA, at least, bawas struggle.

Matupad ko pa kaya iyong pangarap ko na mag-PhD sa DLSU? Eh, kung mag-asawa na lang kaya ako ng mayaman, iyong asawa na kayang i-sustain iyong yaman niya at saka ako mag-PhD? Matigil na kaya ang struggle? Or baka naman, mabaligtad ang struggle? Baka maging struggle na sa akin ang mag-aral kung magka-ganon?   

Bakit ako biglang nag-iisip ng ganito? Kasi parang biglang nagflashback sa akin iyong buhay ko noong napilitan akong sumakay sa bus na puno ng pasahero. Eh kasi ba naman, inisip ko na Black Saturday ngayon and I assumed na kaunti lang ang uuwi pa-Manila. Well, sabi nga ni Mam Monte sa Teaching Litt, never assume that your students have prior knowledge about such things. Eto naman ako, assumera na naman ulit. Kasi sabi ni manong driver, isang oras na daw na walang bumibyahe. Kaya ang implied message ata nuon eh sumakay na ako at parang last trip na.

Sobrang puno at dun ako nakatayo sa unahang-unahan sa gitna ng driver at bukas na bukas na pinto ng bus. Parang roller coaster ride! Sa makalawang na estribo lang ang hawak ko. Buwis buhay ang peg. Ay, Diyos ko po! Kaunting sira lang sa break o maling maneho ni manong o madulas lang ang paa ko, nakatsinelas pa naman ako, pwedeng huling araw ko na ito.
Pero napansin ko na hindi naman ganun kahigpit ang hawak ko sa estribo. May pagkakataon pa nga na bumibitaw ako para subukan na ayusin ang forever na magulo kong buhok, hindi pa naman air-con ang bus. Siguro dala na rin iyon ng twice na pagsakay ko na sa Viking at iba pang death defying stunts na pinaggagagawa ko na sa buhay ko recently, na parang madali na para sa akin ang mag-let go. Oo, madali na sa akin ang mag- let go kahit masakit pa rin at may panahon na umiyak ako (past tense). Pero in fairness, naman sa akin, I didn’t expect na ganito ko ka-relax tatanggapin ang lahat. O baka hindi pa rin talaga totally nag-sync in sa utak ko ang mga naganap at nagaganap. Expected ko nga na mag-freak out ako or depressed ang peg ng lola mo pero hindi eh.

          After all, I realized na wala akong karapatang hawakan much more hindi dapat na mahigpit na hawakan ang hindi sa akin in the first place. After all, biglang bumalik sa akin iyong ugali ko na kung ayaw, hindi ko pipilitin kasi I believe na ayoko din naman na pinipilit ako kung ayoko naman. After all, ang tanging akin lang ay ang sarili ko. That’s the only thing I got na may karapatan akong alagaan, protektahan at panghawakan.          

Huwebes, Pebrero 28, 2013

Falling In and Out of Love with my Luckless Romance


February 27, 2013

After just four days of deliberately not seeing him as a first step to accomplishing my commitment to moving forward to life and love, seeing him was unexpectedly excruciating still. I thought I could handle the sudden irregular heartbeats and the mists in my eyes forcing them all not to fall off my mascara made-up lashes. I actually did for a time. I was able to fool myself around for eight hours. 

But solitude no longer gave me the peace it used to dawn on me whenever I felt miserable or confused or worried. Solitude gave me the sudden gush of emotions bursting out of my eyes coming both from my mind and heart this time. The irregular heartbeats were there again and I felt again the heaviness in my rib cage, a hollow. I was breathing but it’s so hard to breathe. My eyes felt sore and warm and wet. But I told my eyes not to give in to my heart’s desire because I don’t deserve the cry me a river, and he too.

I only saw his back but I certainly knew it was him for I saw the wrinkles in his polo due to possibly excessive machine washing, which for most male in the institution I have not seen but only in his uniform, in his back actually. It was that uniform which one time, I remember cutting with a scissor a loose thread in his back and advised him to hand wash it instead. The high noon was wordless for us but I know that he knew I was there walking along his back.

I honestly felt that I miss him. 

Huwebes, Pebrero 14, 2013

“Your right ends, when the right of another begins.”- RJ



February 14, 2013

Tama, wala akong karapatan… wala akong karapatan…
Kaya, hahayaan kita.

             naisin mang mahulog sa isang puta, eh di mahulog ka…
             naisin mang mahulog muli sa isang “committed na, o committed pa”
eh di sige, tuluyang mahulog ka…

Hahayaan kitang “magmahal”.
Hahayaang kitang “mahalin” siya.
Hahayaan kitang masaktan.
Hindi ko na susubukin pa ang protektahan ka, bakit pa?

Aasa na lamang ako sa Diyos sa iyong pagkatuto
Dahil naiintindihan ko, na hindi ko hawak ang buhay mo,
Hindi ko hawak ang pag-iisip mo
At lalong hindi ko hawak ang puso mo.

At itaga mo sa bato
hahayaan kong makakilala ako ng marami pang iba
Hahayaan ko na maramdaman sa iba
ang kusang mahalin, alalahanin, at lambingin

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Nakakapagod ka na mahalin.



February 13, 2013


In the first place, bakit ko nga naman pinoprotektahan ang isang taong hindi naman sinusuklian ang pagmamahal na ibibigay ko? Bakit ko pa kailangan palagi na lang isaalang-alang ang kalagayan mo, ang posibleng maging kalagayan mo, at ang maayos na image mo sa madla gayong hindi mo naman iyon magawa din sa akin? Bakit ko ine-expect na sa akin ka lang sweet? Bakit ko gustong isipin na ako lang ang dali-dali mong tinutugunan ng favor. Perhaps, you really cannot and should not expect people to act in the way you want them to. Or, perhaps, ganito ang nagmamahal.

Dahil kapag nagmamahal ka, gusto mo protektahan ang taong mahal mo kasi ayaw na ayaw mo siyang mapahamak, kasi ayaw mo siyang masaktan ulit, kasi gusto mo lang na maranasan at maramdaman niya ang kagandahan na inihahandog ng mundo.

Dahil kapag nagmamahal ka, gusto mo maganda ang image niya sa mundo kasi ayaw na ayaw mong may nasasabing hindi maganda ang madla sa kanya. Dahil mahal mo siya, nasasaktan ka kapag may nasasabing masama ang madla sa kanya dahil alam mo na hindi naman siya ganong klaseng tao, hindi gaya ng tingin ng madla, dahil nakita mo na at naranasan mo na ang pagiging mabuting tao niya.

Dahil kapag nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat na makakabuti para sa kanya. Hindi iyong tipong kung saan ka masaya, susuportahan kita. Dahil iniisip mo ang kapakanan  or ang welfare niya. Dahil nga minamahal mo siya.

Dahil kapag nagmamahal ka, hindi ka dapat nag-eexpect na kung gaano kalaki o kabigat ng pagmamahal na ibinibigay mo at kaya mo pang ibigay sa kanya ay ganon din niya iyon ibabalik sa iyo. Dahil kung nag-eexpect ka ng kapalit na pagmamahal, masasaktan ka lang at manghihinayang ka lang sa pagmamahal na ibinibigay mo dahil binigo ka lang niya at binigo din niya ang  iyong malikhain imagination.

Dahil kapag nagmamahal ka, hindi ka dapat nag-eexpect na kung paano mo siya minamahal ay sa ganong paraan ka rin niya kayang mahalin.

Dahil, marahil, ganito ang nagmamahal…

hindi naghihintay ng anumang kapalit

masakit

masakripisyo

matiisin

mapagpasensya

matagal…

kaya nga siguro, minamahal na kita… (matagal-tagal na)

Mahal na kita.

o baka… 

hindi rin…

Biyernes, Pebrero 1, 2013

Long Distance Relationship


" Love is like a thread that keeps on raveling, but then it ties us back together in the end..."

           At first, I felt that we are growing apart. Aside from that, I realized that no matter how long we are apart from each other, I'd like to think that time or God would always bring us back together to understand each other. 

         That even though, I'm really not that sure of my next destination, I'm looking forward to the thought that I, going, and he, staying, will both give us enough time, another time to assess ourselves, prepare ourselves for each other. That I know, quite sure, that God and time will bring us back together to understand each other over and over again.