writing can be tremendously cathartic, and sharing one’s deepest hurts with others can be a good way of exorcising them.- Butch Dalisay
Lunes, Disyembre 10, 2012
Muntanga lang, Ansabe
Well, this meeting is entirely personal not professional. At sana lahat ng maririnig mo galing sa akin, you will listen and not just hear things, na parang pasok sa isang tenga at labas sa isa. Gusto ko na kasi talaga sabihin ang lahat-lahat.
Ano ba 'yung disclose? It's to reveal something, so parang ganon yung gusto kong gawin ngayon, which concerns you, actually You and I, the both of us, this is not even about Collie.
Sana rin magkaroon ka ng open mind and open heart sa lahat ng words na kakawala. Ayokong masayang ang 'moment'.
I'm afraid of many things, alam mo 'yan. Pero, matagal-tagal na rin kasi na-oocupy ng mind ko ang mga bagay-bagay. May mga misteryo sa buhay ko na hindi ko mahanapan ng sagot hanggang ngayon. May mga nangyari sa buhay ko before na until now iniisip ko pa rin, na parang bitin yung mga nangyari. Nakakalito. At sa tingin ko, matutulungan mo akong mawala iyong misteryo nila.
Una, kasi parang ako yung dahilan kung bakit na-ruin yung buhay mo sa MA.
Tapos, nung summer, 'yung first day of classes pa lang, ewan ko, if you still remember, 'yung nag-lunch tayo sa KFC. The place reminded you of your last date with your ex-girlfriend. I asked you if you want to go to some place else, but you insisted na dun na lang. Tapos, while eating, you mentioned that your first girlfriend's name starts with the letter K, then the second one starts with R, then your last is Kate, that I know. Tinanong mo pa ako kung hindi ko ba nakikita 'yung pattern. Syempre, hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maisip na kahit ang nickname ko starts with R, kung 'yun nga ang pattern na sinasabi mo, pero, I said to you, "maybe, it's time for you to choose another letter from the alphabet. Why don't you try A. B.. C..." Parang paminsan-minsan kasi, sumasagi pa rin sa isip ko 'yung moment na 'yun. Sabi ko nga 'yung utak ko hindi mabilis makalimot. Na gusto kong itanong sa'yo ngayon, although alam ko wala na naming bearing pero, ano ba 'yung nangyaring conversation na 'yun? Hinihintay mo ba na i-joke ko na sabihing "'yung pangalang Rose- Anne starts with R gusto mo bang i-bridge kita."
Tsaka, nung isang quarter tayong hindi nagpapansinan. Hindi pa natin 'yun pinag-usapan. Actually, never natin in-express kung ano nga ba ang nangyari, for the sake of Christmas lang at dahil may prayer service, kaya tayo, well, naging maayos.
Pero, bakit nga ba bigla na lang hindi kita pinansin. Kasi nga hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang mga nangyayri sa paligid ko. At alam ko na alam mo kung ano akong klaseng tao. Na nalulungkot ako. It pains my heart really, kapag may nagbe-break, kapag may naghihiwalay. Tapos, nababalitaan ko 'yung sa inyo ni Ms. di ba?
Hindi ako ganon ka-tanga. Marami nga akong hindi kayang gawin pero hindi ako ganon ka-tanga. Somehow, you disappoint me. Para ka ring si V. pareho kayo. Sinaktan niyo ako. Out of all the people na akala ko kilala ako. Kaya gustong-gusto ko talaga magresign ng mga panahon na iyon eh, kasi iniisip ko na ayoko magpa-under sa isang boss na nagpapakatanga sa isang babaeng committed at publicly, aminado naman siyang may boyfriend siya.
Nagpapakatanga ka sa isang babaeng hindi ka naman kayang mahalin talaga. Kaya kung kay V. hindi ko nagawang puntahan 'yung kasal at binyag, ganon din ang defense mechanism ko sa'yo- avoidance. In my point of view, 'yun talaga ang dahilan ko kung bakit hindi ko magawang makipag-interact sa'yo.
Every time na nakikita kita 'nun, nalulusaw 'yung hope ko sa konsepto ng love. Akala ko kasi, you are different from them. Akala ko, you are a better man than they are. Akala ko maisasama kita sa bilang ng mga ideal man ko. Eh, hindi eh, kaya na-disappoint ako. At nung na-disappoint ako iniwasan kita, hindi ko kaya eh, hindi ako ganon ka-plastic.
Pero, bakit ngayon, parang okay ka na sa akin.
Kasi kakapakinig ko sa mga Christian talks, sa mga reflections, sinasabi na how many times will you have to forgive your brother, seventy times? God said, seventy times seven over.
Siguro nga, talagang hindi ako ganun ka- heartless para iignore ka forever. Time lang siguro talaga ang kailangan ko kapag nadi-disappoint ako. Parang kagaya ngayon, ito na 'yung moment. Lahat-lahat eto na. Para at least masabi ko sa sarili ko na kung anuman ang maging final decision ko this January, kung bibihira na lang tayo magkita or entirely hindi na tayo magkita, at least nasabi ko na na-express ko sa'yo lahat.
Na matutulog ako at hindi na magigising na iniisip 'yung mga bagay na ito. Sana makakuha ako ng makabuluhang sagot sa'yo, violent reaction or kung anuman.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento