February 13, 2013
In the first place, bakit ko nga naman
pinoprotektahan ang isang taong hindi naman sinusuklian ang pagmamahal na
ibibigay ko? Bakit ko pa kailangan palagi na lang isaalang-alang ang kalagayan
mo, ang posibleng maging kalagayan mo, at ang maayos na image mo sa madla
gayong hindi mo naman iyon magawa din sa akin? Bakit ko ine-expect na sa akin
ka lang sweet? Bakit ko gustong isipin na ako lang ang dali-dali mong
tinutugunan ng favor. Perhaps, you really cannot and should not expect people
to act in the way you want them to. Or, perhaps, ganito ang nagmamahal.
Dahil kapag nagmamahal ka, gusto mo
protektahan ang taong mahal mo kasi ayaw na ayaw mo siyang mapahamak, kasi ayaw
mo siyang masaktan ulit, kasi gusto mo lang na maranasan at maramdaman niya ang
kagandahan na inihahandog ng mundo.
Dahil kapag nagmamahal ka, gusto mo
maganda ang image niya sa mundo kasi ayaw na ayaw mong may nasasabing hindi
maganda ang madla sa kanya. Dahil mahal mo siya, nasasaktan ka kapag may
nasasabing masama ang madla sa kanya dahil alam mo na hindi naman siya ganong
klaseng tao, hindi gaya ng tingin ng madla, dahil nakita mo na at naranasan mo
na ang pagiging mabuting tao niya.
Dahil kapag nagmamahal ka, gagawin mo ang
lahat na makakabuti para sa kanya. Hindi iyong tipong kung saan ka masaya,
susuportahan kita. Dahil iniisip mo ang kapakanan or ang welfare niya. Dahil nga minamahal mo
siya.
Dahil kapag nagmamahal ka, hindi ka dapat
nag-eexpect na kung gaano kalaki o kabigat ng pagmamahal na ibinibigay mo at
kaya mo pang ibigay sa kanya ay ganon din niya iyon ibabalik sa iyo. Dahil kung
nag-eexpect ka ng kapalit na pagmamahal, masasaktan ka lang at manghihinayang
ka lang sa pagmamahal na ibinibigay mo dahil binigo ka lang niya at binigo din
niya ang iyong malikhain imagination.
Dahil kapag nagmamahal ka, hindi ka dapat
nag-eexpect na kung paano mo siya minamahal ay sa ganong paraan ka rin niya
kayang mahalin.
Dahil,
marahil, ganito ang nagmamahal…
hindi
naghihintay ng anumang kapalit
masakit
masakripisyo
matiisin
mapagpasensya
matagal…
kaya
nga siguro, minamahal na kita… (matagal-tagal na)
Mahal
na kita.
o
baka…
hindi rin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento