Biyernes, Enero 6, 2012

Marian Rivera Syndrome


(Unang una, nais kong magpasintabi kay Bb. Marian Rivera sa paggamit ko sa kanyang sikat na sikat na pangalan ng walang pahintulot sa aking blog.)

          Nais kong ikumpara ang nangyari at patuloy na nangyayari sa buhay ng isang lalaki, na sa aking pagmumuni-muni ay mas ninais ko nang hindi na banggitin ang pangalan at itago na lamang sa isang uri ng pangalan o codename sa blog na ito sa naging buhay at kasalukuyang buhay ni Marian Rivera.

             Heto na.

          Noong unang panahon, si Marian Rivera ay isa lamang model sa commercials at minsan sa magazine prints. Hindi pa natin siya kilala. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang boyfriend niya noong panahon na iyon ay si Ervic Vijandre. Sino si Ervic Vijandre? tanong niyo. Siyempre, noon, hindi pa natin siya kilala until sumali siya sa Survivor Philippines-Celebrity edition. Si Ervic Vijandre ay isang model din. Naging sila ni Marian na model din noon. 

             Pause muna tayo kay Marian.

             Punta naman tayo sa lalaking itago na lang natin sa pangalang Blank.  
      Noong unang panahon, si Blank ay isang simpleng estudyante lamang, nag-aaral at introvert. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang girlfriend niya noong panahon na iyon ay masasabi kong "ayos lang", "sapat lang". 
            
            Pause tayo kay Blank.
  
           Balik na tayo kay Marian Rivera.
          At iyon na nga, nag-audition si Marian sa GMA at nakilala na siya ng lahat bilang si Marimar. Siguro nakatulong na din sa kanyang mala-lipad Darna na pagsikat ang paglipat ni Angel Locsin sa Kapamilya at pagkaunti ng mga artista sa GMA. Napansin siya. Sumikat siya ng todo. At unti-unti niyang napansin na, "ay, maganda pala ako!!!" which as a consequence ng pagkalasap niya sa “fame”, ay ang unti-unti ding pagkawala ng simpleng model na si Ervic Vijandre sa buhay ng ngayong sikat na Marian Rivera. 

              Sa simpleng dahilan na hindi na bagay ang isang simpleng model lang sa isang sikat na Marian Rivera. Kaya hindi na nakapagtataka kung maging boyfriend niya ang isang sikat na sikat na si Dingdong Dantes. 

              Pause ulit tayo kay Marian Rivera.

              Balik tayo kay Mr. Blank.
              At iyon na nga, napunta si Mr. Blank sa isang sheltered na bahay at mabilis na nakilala siya ng lahat. Siguro nakatulong din sa kanyang mala-lipad Captain Barbell na pagsikat niya ang pag take advantage ng mga tao sa paligid ni Mr. Blank ng scarce resources, which fortunately is in favor of him. Napansin siya. Sumikat siya ng todo. At unti-unti niyang napansin na, "ay, gwapo pala ako!!!" which as a consequence ng pagkalasap niya sa “fame”, ay ang unti-unti ding pagkawala ni simpleng girlfriend sa buhay ng ngayong sikat na si Mr. Blank. 

              Sa simpleng dahilan na hindi na bagay ang isang simpleng girlfriend lang sa isang sikat na Mr. Blank. Kaya hindi na nakapagtataka kung tumaas bigla ang standard sa babae ni Mr. Blank at maghangad siya ng isang biglang sikat din na mala-Dingdong Dantes na babae.


            Kaya sinong nagsabi na bumababa ang standard ng isang taong single habang tumatanda? Hindi. Lalo pa nga itong tumataas. Kung mangyari man, (at sa pagkakataong ito ay nais kong kuhanin ang ideya ng isang kaibigan) na maghiwalay si Marian Rivera at Dingdong Dantes (huwag naman sana), ay malaki ang posibilidad na humanap si Marian Rivera ng isang lalaki na kagaya din ng standard na meron si Dingdong Dantes o mas higit pa. Ano nga naman ang sense ng pagbalik pa o muling paghangad pa ni Marian Rivera sa isang simpleng modelo kung nandoon na siya sa tuktok ng “fame” at mapagtanto niya na kaya naman pala niyang maabot ang mga kagaya ni Dingdong Dantes? 
           
            Kaya hindi ko masisisi ang mga single na taong nag-aaral ng Masteral o nakatapos na ng Masteral, maging ang mga tao na mula sa probinsiya ay napadpad ng Metro Manila kung tumaas ang standard nila sa paghanap ng “girlfriend” o “boyfriend”.
Dahil sa kanilang mga pinatutunguhan sa buhay ay naiiba ang pagtingin nila sa kanilang mga sarili-gumaganda, gumagwapo, sumisikat. And as a consequence ng pagkasilaw nila sa kislap ng limelight ay hindi na nila napapansin ang mga simpleng taong nakakasama nila noong nagsisimula pa lang sila, noong hindi pa sila sikat na sikat. Nabubulagan sila ng “appearance”. Hindi na nila ma-gets ang sabi ni Oprah Winfrey na “Keep your feet on the ground even if you have better shoes on.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento