Parang alam ko na kung bakit, kung ano ang dahilan ng mga panlalamig at pagkayamot at patuloy na pagtatanong sa kahulugan ng buhay. Ang matinding dahilan: namimiss namin ang "last school year". Last school year kasi, kahit papaano may kahit isang teacher man lang sa faculty na naiiwanan namin ng pera para ibili kami ng lunch namin kay manang. Andun 'yung tipong nagkakagulo pa kami kung anong bibilhing ulam at kung bibili ba ng extra rice o hindi. Di gaya ngayon na may kaagaw na si manang sa mga suki niya. Ngayon, kanya-kanya na kaming bili. Bihira na mangyari ngayon ang tanungan ng "Oh, may lunch ka na? may munggo ngayon si manang?"
Tsaka parang ngayon naiintindihan ko na rin kahit papaano ang nararamdaman ni Jef na kalituhan ng isip. Parang malinaw na sa akin ang scenario. Kung titingnan kasi, lahat kami na kasama ni Jef sa English Area sa Faculty 2, ako, si Collie, si Ms. Dasco, maging sila Ms. Yhel at Yssa, lahat kami may bagong nangyayari this school year. Ako at si Ms. Dasco naging single prep, si Collie naging adviser at double prep na hindi naman namin ginawa last school year, at syempre bago ang lahat para kila Ms. Yhel at Yssa. Kung titingnan natin si Jef lang ang nanatili sa kanyang position, club moderator, same club, adviser, double prep at nanatiling isa lang ang hawak na third year. Lahat kami na kasama niya sa English bago ang pagtingin namin sa mga bagay-bagay this school year, pero sa lagay ni Jef, what he did last school year, he's just repeating it this year. Kaya nga siguro nang "mag-open" siya ng "existential dilemma" niya sa akin ay hindi ko siya maintindihan, hindi ko siya ma-penetrate, feeling ko bumaba 'yung level of compassion ko, hindi ako maka-relate, hindi ako makapag-empathize kasi hindi ko nararanasan 'yung nangyayari sa kanya this school year. At ganun din naman siya, hindi din siya maka-relate sa nararamdaman kong "tuwa" sa pagharap sa trabaho this school year dahil bago ang tingin namin (ako, collie, Ms. Dasco, Ms. Yhel, at Yssa) at siya dati na. Kaya nga din siguro "unconsciously" may mga "tasks" siyang ginagawa na parang "first time" lang niya gagawin this school where in fact, nagawa na niya 'yun dati pa.
Kahit papaano parang naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na siya. Pero hanggang dun na lang ba natatapos ang lahat, hanggang sa pag-intindi na lang? Magiging huli na kaya ang lahat para sa samahan kung hahayaan ko na lang na pabayaan namin ang isa't isa na parang wala na kaming "care"?Hahayaan ko na lang ba na sa ganito magtapos ang lahat?
* para sa mga iniwan ni Viel (kasama na ako doon), I believe that we can no longer turn back to last school year. What we have is "the now", the present time, present "moments", present "family". All we can do is to live in the present for we are in the present.
* para sa mga iniwan ni Viel (kasama na ako doon), I believe that we can no longer turn back to last school year. What we have is "the now", the present time, present "moments", present "family". All we can do is to live in the present for we are in the present.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento