Lunes, Oktubre 3, 2011

Dati-rati

        Hindi na kami gaya ng dati. Basta, may iba na sa amin, may nagbago. 
       Tumamlay na ang dating malambing na mga biruan. Bihira na rin mangyari ang mga kiskisan ng mga braso sa mga hindi sinasadyang tulak ng tadhana na magkatabi. Mabibilang na rin lang sa daliri ang mga pagsasabihan ng "sweet nothings" for no apparent reason. Iba na kami ngayon. 
       Hindi lang sa kanya ang kasalanan. Marahil ako muna ang dapat sisihin. Ako ang unang nagbago. Hindi na ako tulad ng dati. Kung magbabalik tanaw nga ako mapagtatanto ko na ako ang unang umiwas. Masyado kong iniisip ang "uncertain future" at masyadong pinag-aaksayahan ng panahon ang pag-iwas sa "crossing the bridge" kaya iniwasan ko siya. Ako ang nagsimulang umiwas. Ako ang may kasalanan. Marahil ay nadama niya ang aking masidhing pagnanais na iligtas ang aking sarili mula sa sakit ng pagkabigo at pagkatanga, kaya nagbago na din siya. Nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Wala siyang kasalanan. Tumugon lang siya sa bugso ng "aura" ko na umabot sa kanya at nadama niya. Umiiwas na siya. At eto na nga ang simula ng aming paglayo sa isa't isa. Masakit pala. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mas masakit, ang ginagawa kong pag-iwas o ang ganitong lumalayong agwat namin sa isa't isa. Parang hindi ko na mapaghiwalay kung alin. Mahirap din naman para sa akin na ako ang unang kumilos, hindi naman sa ayokong ma-reject, pero mahirap ma-reject, mahirap mapahiya, mahirap maging "assuming". Ako ang babae.  
        Sa isang banda, isang magandang paraan din pala ito para ihanda ko na ang aking sarili sa nalalapit kong pag-alis. Siguro, mas mahirap para sa akin, mas masakit kung darating ako sa punto na hahanapin ko sa ibang tao ang mga ugali niya. Dahil isang katotohanan na nag-iisa lang siya kahit na marami namang iba, kahit na marami pang iba. Pero sa isang banda nagpapasalamat na din ako sa kanya na kahit papaano, kahit sa pamamagitan ng mga biruan, mga palihim na sulyap, mga lambingan at simpleng pag-aalala ay iiwanan niya ako ng magagandang alaala na sa aking "photographic memory bank" ay mananatiling naka-impok- mananatili-siya at ang kanyang mga alaala.  

*Salamat, Mr. Gentleman, I guess, it's high time for me to move on... move forward.

1 komento:

  1. Ganun talaga. Dadating ang panahon na kailangan nyo ngang lumayo sa akin, ay sa isa't isa pala. Haha. Dibale, as the old saying goes, if you are meant to be, you're meant to be. Smile. Eat. Pray. Love. :D

    TumugonBurahin