Linggo, Disyembre 4, 2011

Badtrip na ang mga blog ko

             Ilang buwan na rin akong nagsusulat dito sa blog. Iyong mga una kong blog masasabi ko sa sarili ko na may sense na may kasama pang humor. Nakakatawa pa iyong mga una kong blog. May humor. Langya. Hindi gaya ngayon, malulungkot na ang mga blog ko. Wala na ang humor, minsan pa nga walang kwenta. Langya naman kasi lumalayo na ang inspiration ko. Hindi na ako makapagsulat ng mga bagay na ikakatuwa ko mismo. Pero, hindi. Hindi ko hahayaan na tumagal ang kawalangyaan na ito. Kailangan ko maibalik ang dating gana ko sa pagsusulat, 'yung nakakatawa ulit, 'yung may kwenta ulit. Kailangan ko na makahanap uli ng Adonis ko. Adonis ko, nasaan ka na?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento