Huwebes, Disyembre 8, 2011

Mas Maigi pa ang Matulog

sa panahon ngayon
mas maigi pa 
ang matulog
malamig
kaysa saksihan 
ang kislap ng mga bituin sa langit tuwing gabi


masarap nga naman 
ang pagtulog
tuwing Disyembre
ayos!


matutulog ako
paraan ko ito
upang itulog ang diwa
maging ang puso


ukol sa tunay na nararamdaman
ukol sa tunay na naiisip
ukol sa tunay na estado
ukol sa tunay at hindi tunay


nais ko na lang na
patuloy na matulog
itulog ang isip
itulog ang puso

itigil ang isip

itigil ang puso
sa kalituhan
sa tuwing 
gising na gising 
ang diwa
at puso
 

itulog ang isip
itulog ang puso
upang 
mapagkamali ng isip
at malito ang puso
na ang lamig
ay sanhi ng panahon
at hindi ng pagkabigo.


* alay kay Bb. Portales, na nagbigay daan para maisulat ang tulang ito hango sa mga kwentuhan natin tuwing gabi

1 komento: