Kabanata 1-Same Old Brand New Day
Hindi naman ito isang remarkable na araw. Actually, isa itong nakakagutom at nakakapagod na araw ng paulit-ulit na pagtuturo ng maikling kwentong, "The Mats" ni "Manong Frank". Isang nakakagutom na araw ng paulit-ulit na meeting, na itinago pa sa elias na emergency o kung minsan ay sa AKA na special. Isang nakakagutom na araw ng paulit-ulit na pasok at labas sa faculty room o sa mismong mga klasrum na may halong panlalamig ng buong katawan dulot ng 16 degrees na temperatura ng aircon na kung wala pang mangangahas o kunwari ay mahihiya na magsabi sa kung sinuman na hindi tinatamad o kung sinuman na malapit sa remote o sa pihitan sa aircon ay saka pa lang magdudulot ng kaunting init sa katawan para sa mga taong unti-unti nang sinasanay ang katawan sa lamig ng artificial na hangin at ni hindi na naiinitan ang mga likod ng tunay na sikat ng araw.
Kabanata 2-Pagbasag sa Paulit-ulit na Scenario
Ito'y isa lamang nakakagutom na araw at paulit-ulit. Kaya masisisi mo ba ako kung maghanap ang mga mata ko ng ibang tanawin. Masisisi mo ba ako kung bigla akong akitin ng biscuit na nakasuksok sa harapang bulsa ng mukhang mamahalin pero sa katotohanan ay mumurahin mong bag. Kaya nga sa bigla mong pagpasok ay siya ko namang biglang pagtanong kung pwede makahingi ng biscuit. Agad ka namang tumugon, "Sige, get one." And so I did. Ecstatic and relieved. Matutugunan na ang lumalaki kong gutom. Maiibsan na ang pagka-inis sa paulit-ulit na buhay dahil chocolate flavored ang biscuit. "Chocolates give prothrombin which gives out happy hormones", sabi nga ng mga scientists.
Kabanata 3-Tres Passing

Kaya kinuha ko agad ang biscuit at inilagay sa aking table sa tabi ng laptop na noon ay kasalukuyang ginagamit ng ating fellow teacher. Bubuksan ko na sana ang biscuit pero kinailangan ko lumabas ng sandali. Hindi. Hayaan mong ulitin ko. Lumabas ako saglit.
Walang malay. Ni sa hinagap ay hindi ko inisip na sa aking pagbukas ng pintuan, papasok ulit sa malamig na kuwarto, ay agad na tatambad sa aking mga mata ang bukas na biscuit. Ang masakit pa ay bawas na ito ng isang pilas. Masisisi mo ba ako kung bigla na lang ako mag-freak out. Dahil ramdam ko na ang malaking gutom kasabay ng pagkayamot sa paulit-ulit na routine na talaga namang nakakapagod. Nakakainis. Nakayayamot isipin na parang pinaglalaruan ako ng salarin o mga salarin na nakapaligid sa pinagdikit-dikit na mga tables and chairs. Nag-iwan pa ng ebidensiya na talagang binuksan nga ang

biscuit. Iniwan pa ang pabalat sa bandang kanang dulo ng table ko na kung uupo ako agad ay siyang masisilayan agad ng aking mga mata na nagpapa-alala na dalawang pilas na lang ang tutugon sa aking malaking gutom.
Kabanata 4- Ang Simula ng Pagsisinungaling

Isang malaking freak out mula sa akin na sinagot ng isang wagas na tawa mula sa isa sa pinaghihinalaang salarin. 'Yun lang ang isinagot mo sa akin. Wagas na tawa lang ang ibinigay mo sa akin. Habang unti-unti mong sinasambit ang hinahabi na istorya na sa tingin mo ay siyang magbibigay ng alibi sa krimen na iyong ginawa. Maiintindihan ko pa kung magpaalam ka sa akin na nais mo pa ng isa. Hindi naman ako ganoon kadamot upang hindi magbigay ng isang bagay na hiningi ko lang din.
Kabanata 5- Ang Paglilitis
Bagaman ayaw kita isipan ng masama, ay ayaw din naman maalis sa isip ang posibilidad. Oo, ikaw na malayo sa pinangyarihan ng krimen. Ikaw na hindi mahilig sa chocolate. Ikaw na may alibi. Hindi. Hindi nga ikaw ang salarin. Base sa iyong mga sagot sa tanong, magaling ka. Hindi maikakaila ang iyong kagalingan sa "bluffing". Mambobola. Ngunit sa tinagal-tagal ng paglilitis, ay sadyang nahuhuli din ang isda sa kanyang sariling bibig.
Kabanata 6- Ang Pag-amin.
Sa hinaba-haba man ng paglilitis sa pag-amin din ang tuloy. Dahil nahuli na nga ang isda, ay wala na itong nagawa kundi ang pag-amin. Umamin ka na mula sa kasalanan na iyong ginawa. Kasalanan na dulot ng matinding gutom dulot ng nakakagutom, nakakapagod, at paulit-ulit na araw. Masisisi ba kita kung talagang gutom ka lang mula sa isang nakakapagod na araw? Masisisi ba kita kung nabitin ka sa isang strawberry Rebisco para sa laking tao mong iyan? Masisisi ba kita kung akitin ka ng isang nananahimik na chocolate Rebisco na inilapag ko sa table ko?
Huling Kabanata 7- Ang Konsensya
Ang hatol. Pasalamat pa at sadyang malambot ang puso ng biktima na hindi na nagawa pang magparusa. Ngunit sa isang banda ay salamat na din at ang ina ang siyang nagbigay hatol ng pagtatakwil. Marahil ay hindi nakayanan ng iyong puso ang nagawang krimen kung kaya kinabukasan ay naghandog ka ng isang Rebisco strawberry sa biktima. Agad namang tinanggap ng biktima ang suhol. Bagaman hindi maiaalis ang katotohanan na hindi na maibabalik ng isang bagong bagay ang nawala na anuman ang pagkakatulad nito sa dati.
*para kay Jef, salamat sa kapilyuhan at sa Rebisco at
para kay Collie, salamat sa Creative non-fiction ideas
para sa inyong dalawa, salamat sa gabi ng iyak-tawa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento